Pagsusuring Basa sa Akdang "Kinagisnang Balon" ni Andres Cristobal Cruz



1.PAGKILALA SA MAY AKDA:

          Sa mga akda ni Andres Crisobal Cruz ay nakikita ang mga karanasan at pakikisalamuha ng tao sa kanyang kawpa-tao.  Naipakita ni Cruz na ang akda ay salamin sa mga totoong pangyaari sa kasalukuyan. Kinakitaan ito ng mga katotohanang gawi, paniniwala at saloobin ng mga tao.

2. URI NG PANITIKAN:
          Maikling kwento - ito'y isang maiksing pagsasalaysay tungkol sa mga karanasang pinagdadaanan at pinagmulatan ng pangunahing tauhan. Isa rin itong paggagad at pagkukuwento tungkol sa riyalidad ng buhay. Masining ang akda sapagkat kakikitaan ito ng mga makatotohanang pangyayari, gawain at saloobin ng mga tao.

3. LAYUNIN NG AKDA:
        Ang kwentong ito ay may layuning magsalaysay at ipakita ang iba't ibang aspekto na bumubuo sa tao at riyalidad. Ito ay may layuning maikintal sa bawat mambabasa na bigyang halaga natin ang ikinabubuhay ng bawat isa propesyunal man ito o hindi ang mahalaga ito'y marangal.

4. TEMA O PAKSA NG AKDA:
      Ang tema ng kwentong "Kinagisnang Balon" ay nagpapakita ng pagpapatunay ng isang anak na hindi mana-mana ang isang hanap-buhay na mula pa sa magulang at pagkakaroon ng matinding paninindigan sa kanyang sarili.

5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA:

Tandang Owenyo - isang agwador sa kanilang bayan. Ama ni Narsing at Enyang na ang pag-iigib ang siyang pangunahing pinagkakakitaan upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Nana Pisyang - asawa ni Tandang Owenyo, isang labandera sa kanilang bayan. Naghihilot din siya upang makatulong sa mga gastusin sa bahay.

Narsing o Narciso - anak nina Pisyang at Owenyo. Nakapagtapos ng haiskul ngunit hindi nakapagpatuloy sa kolehiyo dahil sa kahirapan. Ayaw niyang matulad sa kanyang ama na isang agwador lamang kaya nakipagsapalaran siya sa Tundo.

Enyang - ang kapatid ni Narsing na isang dalagitang tumutulong sa mga gawaing bahay at paglalaba't paghahatid ng mga pinaglalabhan ng kanyang ina.

6. TAGPUAN/PANAHON:
          - sa balon ng Tibag
          - sa Tundo, Velasquez - kung saan naghahanap si Narsing ng trabaho

7. NILALAMAN/ BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
           Sa unang bahagi ng kwento ay umiikot sa kahalagahan at kasaysayan ng balon, kapagdakay ang kwento ay umiikot sa mag-asawang Owenyo at Pinyang. At sa pangkalahatan ang kwento ay umiikot sa galaw ng mga pangyayari sa anak nila na si Narciso, dahil sa mga pinagdaanan niyang hirap, matatagpuan dito ang mga aral at ang nais ipahiwatig ng may akda nito.

8. MGA KAISIPAN/IDEYANG NAKAPALOOB
           Ang akdang ito'y nagtataglay at nagsasalaysay sa mga karanasan lalo na sa kahirapan. Ito ay may katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan.

9. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA:
        Sinimulan ng awtor akdang ito sa paglalarawan, mga pinagmulan at mga kwentong bumabalot sa balon ng tibag. Inilahad niya ang mga bagay-bagay sa riyalidad ng buhay na tulad ng matandang balon na siyang kinagisnan at kinamulatan pa rin ng mga anak at mamanahin ng mga susunod pang henerasyon. Ginawang halimbawa ang buhay ng matandang Owenyo na minana pa ang nakagisnang hanap-buhay bilang pagiging agwadorsa ama nitong si Ba Meloy at ang asawa nitong si Nana Pisyang ay namana din ang hanapbuhay na paglalabandera at paghihilot sa inang si Da Felisa.
  Isinalaysay ito sa pamamagitan ng pag-uusap usap ng kanilang mga kapitbahay tungkol sa mag-asawa at isinunod ang pag-uusap sa kanilang anak na magmamana ng kanilang trabaho.

10. BUOD
         Napakahalaga ng balon  pra sa buhay ng mga tao sa Tibag kung saan ito'y nagsisilbing buhay ng mga tao roon at saksi sa bawat mga pangyayari sa Tibag. Ito'y bahagi ng kanilang kapaligiran, kinagisnang alamat at mga paniniwalat pamahiing imumulat nila sa mga susunod pang henerasyon.
Dito nagkakakilala ang ama at ins ni Narsing na sina Tandang Owenyo at  Nana Pisyang ma isang agwador at labandera sa kanilang bayan na namana pa ang mga hanapbuhay sa mga magulang nito. Ang kanimang anak na si Enyang ang siyang tumutulong sa kanyang ina samantalang si Narsing ay naghihimagsik dahil ayaw niyang maging agwador na katulad ng kanyang ama. Si Narsing ay nakatapos ng hayskul ngunit hindi na nakapagpatuloy sa kolehiyo dahil sa kahirapa, masipag siyang mag-aral. Ayaw niyang magdala ng pingga sa pag-iigib at ang gusto niya lamang dalhin ay ang dalawang balde. Dahil sa kahirapan at ayaw niyang msging agwador lamang nakipagsapalaran siya sa Tundo, sa Velasquez at nakituloy sa kanyang tiyahin ngunit wala siyang mahanap na trabaho at nakararanas siya ng gutom, lagi na lamang walang bakante ang mga kompanya at pagawaan na kanyang pinupuntahan. Napadaan din siya  sa isang gulayan ng Instik ,kinausap niya ito at dito siya nagtrabaho ng idang araw. Kinabukasan nagpaalam siya sa kanyang tiyahin at umuwi ng Tibag na bigo. Sa kanyang pagdating ang kanyang mga magulang ay para bang naghihintay na siyay magsalaysay sa nangyari sa kanyang pakipagsapalaran. Noong gabing iyon ay nagkasagutan sila ng kanyang ama dahil ibig nitong mag-igib na lamang siya kaysa magtrabaho sa Maynila at hindi nakapagpigil na sumagot sa kanyang ama na ayaw niyang maging agwador. Kaya nagalit ang kanyang ama ata siyay minura at pinagsasampal nito.
Pagkatapos ng nangyari at makalipas ang isang linggo ay nadisgrasya ang kanyang ama, ang dibdib nito'y pumalo sa nakatayong balde at napilayan, na sinasabing nahilo raw ang matanda at wala sa sarili ang ginagawa. Kaya walang magawa si Narsing kundi siyang pumalit sa kanyang ama. Nalapnos ang balikat ni Narsing at magdamag na sumasakit ang kanyang mga buto. Maaga siyang gumigising at naghintay sa kanyang torno, habang naghihintay nagbibiruan ang mga dalaga't binata sa paligid ng balon na may tumatawang nagsabing binyagan ang kanilsng bagong agwador.

Comments

  1. Ano poyong Protagonista at Antagonista qt Aral nang Balon

    ReplyDelete
  2. Pokie Casino Site - Online casino site with the best odds
    Try the online 온카지노 pokie casino site. New users deccasino can get €20 + 200 free spins, up to 100FS + 100 bonus spins. Try 카지노 slots casino now for free with

    ReplyDelete

Post a Comment