Posts

Showing posts from March, 2017
Pagsusuring Basa sa Akdang "Kinagisnang Balon" ni Andres Cristobal Cruz 1.PAGKILALA SA MAY AKDA :           Sa mga akda ni Andres Crisobal Cruz ay nakikita ang mga karanasan at pakikisalamuha ng tao sa kanyang kawpa-tao.  Naipakita ni Cruz na ang akda ay salamin sa mga totoong pangyaari sa kasalukuyan. Kinakitaan ito ng mga katotohanang gawi, paniniwala at saloobin ng mga tao. 2. URI NG PANITIKAN:           Maikling kwento - ito'y isang maiksing pagsasalaysay tungkol sa mga karanasang pinagdadaanan at pinagmulatan ng pangunahing tauhan. Isa rin itong paggagad at pagkukuwento tungkol sa riyalidad ng buhay. Masining ang akda sapagkat kakikitaan ito ng mga makatotohanang pangyayari, gawain at saloobin ng mga tao. 3. LAYUNIN NG AKDA:         Ang kwentong ito ay may layuning magsalaysay at ipakita ang iba't ibang aspekto na bumubuo sa tao at riyalidad. Ito ay may layuning maikintal sa bawat mambabasa na bigyang halaga natin ang ikinabubuhay ng bawat